Mail Title Title Number Mga detalye ng dahilan para sa kakulangan
【セブン銀行】口座開設に関するご案内
(9language)
( 001 ) Ipagpaumanhin po ninyo ngunit bilang resulta sa pagsusuri, hindi namin matanggap ang inyong aplikasyon. Ang mga detalye tungkol sa mga nilalaman ng pagsusuri ay hindi namin masasagot.
( 002 ) Ayon sa nilalaman ng inyong aplikasyon, mayroon ka nang Savings account. Isang account lamang kada isang tao ang aming tinatanggap. Hindi na maaring mag-panibagong aplikasyon.
Kung hindi alam na mayroon ka nang account, maaaring makipag-ugnay sa Sevenbank.
( 003 )

Hindi namin maaring ipagpatuloy ang pagproseso ng inyong aplikasyon dahil ang impormasyon na inyong inilagay ay hindi tumutugma sa detalye ng inyong mga dokumento ng pagkakakilanlan.
Maaaring suriin ang sumusunod na impormasyon sa ibaba at mag-apply muli.

Suriin (Kumpirmahin ang mga nilalaman sa ibaba)
Pangalan・Tirahan・Araw ng kapanganakan
  • Ang inyong kasalukuyang Pangalan, tirahan at araw ng kapanganakan ay dapat na maayos na nakasaad sa dokumento ng pagkakakilanlan.
  • Hindi nag-aaply sa iyong lumang Pangalan at tirahan.
  • Nailagay ang tamang Pangalan, tirahan at araw ng kapanganakan sa iyong mga dokumento ng pagkakakilanlan.
Nationalidad
  • Piliin ang tamang nasyonalidad na kapareho sa mga dokumento ng pagkakakilanlan.
Pangalan ng tagapagpadala
(kapag nag-a-apply para sa serbisyo ng pagpapadala ng pera sa ibang bansa)
  • Ilagay ang parehong impormasyon ng tao na may-ari ng account.
  • Hindi dapat ilagay ang eksaktong parehong impormasyon sa iyong First, Middle at Last name.
  • Nailagay ang tamang First, Middle at Last name tulad ng inilarawan sa iyong mga dokumento sa pagkakakilanlan.

* Kung ang nasa itaas ay hindi nalalapat, maaaring kumpirmahin din ang impormasyon sa ( 005 ).

( 004 )
(kapag nag-a-apply para sa serbisyo ng pagpapadala ng pera sa ibang bansa)

Hindi namin maaring ipagpatuloy ang pagbubukas ng account sa kadahilanang may kakulangan tungkol sa impormasyon ng receiver na iyong inilagay o hindi nito natugunan ang mga alintuntunin at kundisyon ng aming kumpanya.
Maaaring suriin ang sumusunod na impormasyon sa ibaba at mag-apply muli.

Suriin (Kumpirmahin ang mga nilalaman sa ibaba)
Impormasyon ng beneficiary.
  • Hindi dapat ilagay ang parehong impormasyon sa First, Middle at Last name ng beneficiary.
  • Ang relasyon sa beneficiary ay dapat na tama.
    (Ang mga karaniwang pagkakamali ay 『Mga kaso kung saang ang relasyon ay ang may-ari ng card ngunit ang pangalan ay naiiba』,『Mga kaso kung saan iba ang relasyon ngunit ang pangalan ay kapareho sa may-ari ng card.』)
Pagkunan ng Pondo
  • Kung ang pinili ay iba, ang mga detalye ay dapat na ipasok nang tama.
    (Ang mga karaniwang pagkakamali ay mga kaso kung saan naipasok ang pera, benta, mga detalye ng iba bukod sa mga mapagkukunan ng pagpopondo.)
Layunin ng pagpapadala
  • Hindi dapat ilagay ang mga detayle tungkol sa mga layuning pagkalakalan o pamumuhunan, pagpapadala ng pera ng ibang tao at kung anupaman maliban sa mga hangarin sa pagpapadala.
( 005 )

Hindi namin maaring ipagpatuloy ang pagbubukas ng account sa kadahilanang ang mga dokumento ng pagkakakilanlan (ID) na inyong ibinigay ay hindi natugunan ang mga alintuntunin at kundisyon ng aming kumpanya. (kabilang na ang malabong kopya ng imahe)
Maaaring suriin ang sumusunod na impormasyon sa ibaba at mag-apply muli.

Suriin (Kumpirmahin ang mga nilalaman sa ibaba)
Pangalan・Tirahan・Araw ng kapanganakan
  • Tama ang inilagay na impormasyon (walang pagkakamali sa spelling or notasyon)
  • Para sa mga Japanese citizen, hindi inilagay ang Alphabet name sa pirmahan.
Mga Dokumento ng Pagkakakilanlan
  • Ang mga kinakailangan tulad ng Pangalan, tirahan, araw ng kapanganakan, expiration date, selyo ng nagbigay at ang My Number (kapag nag-a-apply para sa serbisyo ng pagpapadala ng pera sa ibang bansa) ay dapat na kumpleto (Kasalukuyang may bisa).
  • Kung mayroong Expiration date, siguraduhin na hindi ito lalagpas sa Expiration date (Para sa Residence Certificate, dapat ito ay inisyu sa loob ng 6-na buwan)
  • Mayroon ng mahigit 3-buwang haba ng paninirahan.
  • Hindi dapat magkaroon ng pagkukulang sa inyong dokumento ng pagkakakilanlan at pagkukulang sa pag-upload.
  • Ang mga detalye sa naiupload na dokumento ng pagkakakilanlan ay dapat malinaw na nababasa.
  • Kailangan makita ang kabuuan ng dokumento ng pagkakakilanlan (Hindi dapat putol)
    * Lalo na sa kaso ng Residence Certificate, kumpirmahin na ang kabuuang papel ay malinaw.
  • Kailangan ang kumpletong detalye, tulad ng sertipiko ng pagtatrabaho, ID ng kumpanya na may buong pangalan, pangalan ng employer, at iba pa (kung mas mababa pa sa 6-na buwan mula ng dumating sa bansa).
Nationalidad・Iba pa
  • Tama ang inilagay na nasyonalidad.
Pangalan ng tagapagpadala
(kapag nag-a-apply para sa serbisyo ng pagpapadala ng pera sa ibang bansa)
  • Ilagay ang parehong impormasyon ng tao na may-ari ng account.
  • Nailagay ang tamang First, Middle at Last name tulad ng inilarawan sa inyong mga dokumento ng pagkakakilanlan.
( 006 ) Hindi namin maaring ipagpatuloy ang pagbubukas ng account sa kadahilanang mayroong ilang impormasyon na inyong inilagay ay hindi sapat.
Maaaring kumpirmahin ang lahat ng impormasyon sa (002) ~ ( 005 ) sa itaas at mag-apply muli.